Tila binuska ng mga netizen si Issa Pressman matapos maispatang matchy ang damit ng kaniyang boyfriend na si James Reid sa ex-jowa nitong si Nadine Lustre, nang dumalo sila sa event ng isang sikat na brand.

Trending kasi ang pagkikita ng JaDine sa nabanggit na event, at mas lalo pa silang kinakiligan nang mag-beso sila sa isa't isa. Napansin naman ng mga netizen na magkakulay ang mga damit nila.

Dumalo naman sina Issa at James sa all-white ball event ng isang sikat na lifestyle magazine, at dito ay sinabi ng dalawa na komportable na silang makita ng publiko bilang couple.

Sey naman ng mga netizen, tigilan na sana ng ibang JaDine fans na hindi pa nakaka-move on sina James at Nadine dahil sila nga ay nakapag-move forward na, at may kani-kaniyang jowa na rin.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Sino ba yung pumuna sa outfit ng dalawa at nagpatrend kuno di ba mga fan ni Nadine so sila yung hindi makamove on..."

"Move on na guys, ano naman kung matchy sila?"

"Jusko pati na naman kulay ng damit isyu pa?"

"Puro issue..nakamove on naman na si Nadine."

Kamakailan lamang ay sinabi ni Issa na nag-heal na siya matapos ang kaniyang problema sa lalamunan.

MAKI-BALITA: Issa Pressman: ‘I am fully healed’