Malaking tulong sa maliliit na negosyo ang ipinamamahaging financial assistance sa mga rice retailer na apektado ng mandated price ceiling sa bigas.

Ito ay kasunod na rin ng pagsisimula ng payout ng Sustainable Livelihood Program (SLP) cash assistance sa Parañaque City.

“Malaking tulong sa amin ‘yung ibinigay na ayuda,” pahayag ni Evangeline de Rojas, isa sa micro rice retailer sa Navotas City na tumanggap ng ₱15,000 ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Lunes, Setyembre 11.

Bukod sa Navotas, sumabay din sa distribusyon ng cash aid ang Zamboanga del Sur.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sa Pateros, humirit naman si Mayor Miguel Ponce III na itakda muli sa Martes ang payout sa kanilang lugar.

Sinimulan ang pamamahagi ng ayuda sa Quezon City, San Juan at Caloocan nitong Sabado kung saan napakinabangan ito ng mga rice retailer.