Sey ni Manay Lolit Solis nakakaawa raw ang Kapuso actor na si Alden Richards dahil marami pa rin umano ang gustong makialam sa buhay nito.

“Bakit kaya parang may mga tao Salve na parang gusto pigilan si Alden Richards sa mga gusto niya gawin? Dapat lang na kung ano ang gusto niya mangyari sa buhay niya. Kawawa naman si Alden kung hanggang ngayon meron pa ring mga tao na gusto makialam sa buhay niya,” saad ni Lolit sa kaniyang Instagram post nitong Linggo, Setyembre 10.

National

FPRRD, posibleng kasuhan ng 'obstruction of justice' dahil kay Quiboloy

“Narating na ni Alden Richards ang pangarap niya at siguro naman dapat lang na kung ano ang makapagbibigay ligaya sa kanya iyon ang gawin niya. It is unfair na mag-imposed ang kahit sino sa buhay ng ibang tao lalo pa ni Alden Richards,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Lolit na maayos naman daw ang pagpapalaki sa aktor.

“Talaga naman alaga ni Mama Tenten si Alden kaya tiyak na lahat ng dapat gawin ginagawa niya para maging maayos lahat sa buhay ni Alden. Kaya hindi puwede makialam ang iba. Mabuti naman at lahat ng gustong gawin ni Alden nagagawa niya,” anang talent manager.

“Dahil narin nga alam niya na he owe it to himself na ngayon kung ano ang alam niya na mabuti para sa kanya iyon na lang gagawin niya. Hindi na niya kailangan sumunod pa sa gusto ng iba. Nandiyan naman si Mama Tenten na puwede gumabay sa kanya. Kaya go lang Alden, do your thing. Basta maligaya ka, ok lang.”

Samantala, may bagong pelikula si Alden na “Five Breakups and a Romance” kung saan makakasama niya rito si Julia Montes.