Ibinahagi ng vlogger na si “Viy Cortez” ang kaniyang larawan habang karga ang anak na si Kidlat sa kaniyang Facebook account nitong Sabado, Setyembre 9.

Ayon kay Viy, naalimpungatan umano si Kidlat at umiyak kaya kinarga niya.

“Naalimpungatan ang baby ko at nagiiyak nung kinarga ko nakatulog agad♥️ iloveyou anak ko hanggat kaya ko kahit binata ka na kakargahin kita kung dun ka mapapanatag,” saad niya sa kaniyang Facebook post.

Marami naman netizen ang natuwa sa nasabing post ni Viy batay sa kanilang mga komento:

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Thats a moms love nothing compares❤❤❤❤📢📢”

“mimahhh having an male son is getting an eternal blue prince 💙”

“Malambing po ms. Viy ang mga anak na lalaki..❤️”

"Ang cute 😍😍”

Matatandaang noong Hulyo, nagbigay ng mensahe si Viy para sa kaarawan ng kaniyang unico hijo. Aniya, si Kidlat umano ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, mayroon nang mahigit 51k reactions at 248 shares ang naturang post ni Viy.