Bentang-benta ang Facebook post ni NikolaiYaj Hernandez a.k.a. “PapaKulas” kung saan makikita ang kaniyang selfie habang suot ang helmet ng sinasakyang sikat na ride hailing app na tila nakikipag-usap sa artificial intelligence ni Iron Man na si “JARVIS.”

“Buti na lang kausap ko si Jarvis habang nasa biyahe papuntang MDL-PH S2. Hindi ako ma-bobored,” biro ni PapaKulas sa kaniyang caption.

Sa eksklusibong panayam ng Balita, sinabi ni PapaKulas na gusto umano niyang magpasaya ng tao. Kaya nang mapansin niya na parang Iron Man ang dating niya sa suot na helmet, naisip niyang mag-selfie.

Human-Interest

Jeep pandagat na naimbento ng mekaniko, nagpamangha sa netizens

“Mahaba kasi yung biyahe ko San Pedro, Laguna to Mandaluyong para sa isang Casting Gig kaya nilibang ko lang sarili ko,” dagdag niya pa.

May mensahe rin umano siya sa kaniyang mga kapuwa commuter. Aniya, mag-iingat daw lagi sa biyahe.

“Kung nagjo-JoyRide ka din katulad ko, kumapit sa rider or sa motor; isuot at i-lock ang helmet. At laban lang kaya natin ‘to! Good vibes lang wag idaan sa init ng ulo ang lahat.”

Umani ng samu’t saring komento ang naturang post ni PapaKulas.

“Astig parang suot mo helmet ni iron man hahah”

“Iron Man low budget edition”

“Grabe na talaga ang advanced ng technology 😫”

“Mas masaya kung naka ganyang helmet ka pero sa jeep ka sasakay”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 27k reactions at 4.3k shares ang selfie ni PapaKulas.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!