National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Ibibigay ng Kongreso ang kinakailangang pondo ng Department of Transportation (DOTr) upang mapabilis ang rehabilitasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Sa panukalang ₱5.768 trilyong national budget para sa 2024, humihingi ang DOTr ng ₱2.9 bilyon para sa rehabilitation project ng MRT-3 at ito ay dagdag sa nakalaan nang ₱549 milyon para sa nasabing layunin ngayong taon.

“We want MRT-3’s carrying capacity upgrade to succeed so that commuters will have faster, safer, and more convenient rides,” pahayag ni Quezon City 4th District Rep. Marvin Rillo, vice chairperson ng House Committee on Metro Manila Development, nitong Linggo.

Pangako ng Kongreso, aaprubahan nila ang kinakailangan pondo ng DOTr upang maisagawa ang rehabilitasyon ng MRT-3.

Bukod dito, humihingi rin ang DOTr ng ₱6 bilyong subsidiya para sa MRT-3, dagdag pa ang ₱1.3 bilyon para sa operasyon at maintenance nito.

Kapag natapos na ang rehabilitasyon, aabot na sa 500,000 pasahero ang serbisyuhan ng MRT-3, mula sa kasalukuyang 300,000 pasahero.

PNA