Nagsalita na ang aktres na si Kaye Abad-Castillo matapos kuwestyunin ng netizens sa social media kung bakit may kasama pa siyang bodyguards sa kaniyang pagsha-shopping.

Sa TikTok video ng isang netizen na may account na "nemgarcia2020" ay makikita kasi na tila may mga nakabuntot daw na armed men na parang bodyguards kay Kaye at sa mga anak nila ng mister na si Paul Jake Castillo, bukod pa sa ang ilan daw ay parang mga nakasunod na "alalay."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kuwestyon ng mga netizen, bakit daw kailangan ng maraming bodyguards?

"damimg bodyguard at yaya"

"dami bodyguards"

"Dami namang nakabuntot..."

"Sila nagpa-crowded ng grocery jusko daming alalay."

"di ko kaya mag-grocery..."

Pagtatanggol naman ng ilang netizens, wala naman daw masama kung totoo mang maraming bodyguards si Kaye lalo na't kasama nito ang mga anak nila ni Paul Jake. Unang-una, may kakayahan silang magbayad, at pangalawa, para ito sa seguridad nila lalo't kilala ang kaniyang mister bilang negosyante sa Cebu.

Isang netizen naman ang nagsabing hindi kay Kaye ang mga naispatang bodyguards kundi sa grocery store, at ito raw ay "SOP" o standard operating procedure nila kapag may artista o celebrity na namimili, upang maiwasan itong dumugin ng mga tao.

Samantala, sa kaniyang Instagram story ay pinabulaanan ni Kaye na may bodyguards siya.

"I'm always alone when I do my groceries. Or sometimes kasama ko ang kids. Pero walang 'bodyguards,'" aniya.

"Mga chismosa kayo ng taon," hirit pa niya.

Photo courtesy:  Kaye Abad's IG via Fashion Pulis

Si Kaye Abad ay aktres na sumikat sa ABS-CBN, at unang nakatambal ng award-winning actor na si John Lloyd Cruz, bago sumikat nang husto ang tambalan nila ni Bea Alonzo, na nagsimula sa seryeng "Kay Tagal Kang Hinintay."