Nagbigay ng maagang pamasko si ‘Unkabogable’ star Vice Ganda sa “It’s Showtime” staff sa kaniyang latest vlog noong Biyernes, Setyembre 8.

“Dahil malapit na ang Pasko…bago pa lang makapag-isip ng regalo ‘yung iba, mauuna na ako. Magbibigay ako ng pangregalo sa aking mga Showtime staff,” saad ni Vice sa vlog.

Tuwang-tuwa ang buong staff nang sabihin ni Vice na magpapa-“Shop Ganern” siya sa mga ito gamit ang kaniyang Shopee app.

“So, meron akong bowl dito. All your names are here. Bubunot ako ng pangalan. ‘Yung mabubunot ko, gagamitin ang Shopee app ko sa cellphone at o-order kahit anong gusto,” pagpapaliwanag ni Vice sa magiging daloy ng regaluhan.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Pahabol pa niya, kapag umano nabunot ang pangalan, sisigaw dapat muna ng “Shop Ganern” bago umorder. Pagkatapos, sasabihin ang linyang “Salamat, Shopee”.

Tila nawindang naman si Vice nang umorder ang isa niyang staff ng iPhone 14 Pro Max na nagkakahalaga ng ₱78, 990.

“Alam mo ‘yung mga…’yung mga staff namin sa Showtime talaga, very professional, sobrang gagaling. Saka nakikita n’yo masayahin. Pero minsan mga abusado rin sila,” pagbibiro pa ng komedyante.

Si Vice Ganda ang isa sa kasalukuyang hosts ng noontime show na pinatawan kamakailan ng 12 days suspension ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Matatandaang siya rin ang bagong brand ambassador ng nasabing online shopping app kapalit ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano.

MAKI-BALITA: Vice Ganda sa bagong endorsement niya: ‘Nakapag-reinstall na ba ang lahat?’