Ibinahagi ng “FPJ’s Batang Quiapo” lead actor at director na si Coco Martin ang dahilan kung bakit hindi siya napapagod sa trabaho.

Sa panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN News kay Coco, Biyernes, Setyembre 8, sinabi nito na parang wala umanong kapaguran ang aktor dahil nagawa pa nitong dumalo sa ASAP Natin ‘To in Milan na gaganapin sa Linggo, Setyembre 10, kahit may trabaho pa siya sa kasalukuyan niyang teleserye.

Ang sey ni Coco, pagmamahal umano sa mga Pilipino ang nasa likod ng lahat ng ginagawa niya.

“Hindi naman mababago ang buhay ko kung hindi dahil sa kanila, e. Ibinabalik ko lang ‘yung ano, ‘yung blessings na ibinigay nila sa akin,” sagot ng aktor.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Dagdag pa ni Coco, ang pagtatrabaho lang niya umano sa industriya ang nakikita niyang paraan para makapagpasalamat sa sambayanang Pilipino.

Samantala, nailunsad na nitong Biyernes, Setyembre 8, ang almost 7-minute trailer ng panibagong yugto ng “FPJ’s Batang Quiapo”.

Sa hiwalay na panayam ni MJ Felipe kay Coco, sinabi ng aktor na ayaw umano nilang tipirin ang teleserye dahil na-aappreciate umano nito ang pagmamahal ng mga tagasubaybay.

“Honestly, kung mapapansin n’yo kahit sa mga talents, in terms of production design, hindi talaga namin tinitipid.”

Sa katunayan, ayon pa kay Coco, unang beses niya umanong gumawa ng teleseryeng nakapadron sa proseso ng paggawa ng pelikula.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa halos isang milyon ang views ng nasabing trailer sa YouTube account ng ABS-CBN Entertainment.