Ibinuking ng mag-asawang Christian Bautista at Kat Ramrani ang ‘baho’ ng isa’t isa

sa kanilang panayam sa Luis Listens kamakailan.

Tinanong kasi sina Kat at Christian ng host na si Luis Manzano kung ano ang mga recent discovery nila sa isa’t isa. Gaya halimbawa kung makalat ba sila.

Unang sumagot si Kat na agad nagbigay ng pasubali na very good naman umano si Christian sa toilet seat.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Pero ‘yung banyo namin parang rainforest paglabas niya. Water everywhere. Lababo, sahig, sa labas. Everything is like super wet,” pagsisiwalat ni Kat.

Depensa naman ni Christian, sumasayaw kasi siya at kumakanta habang naliligo.

Samantala, ang “baho” naman umano ni Kath ayon kay Christian ay kapag pumipili ito ng mga damit na susuutin.

“Usually, kapag mayro’n tayong closet di ba parang kukunin natin tapos ibabalik natin. Usually ganun. Siya kukunin niya ta’s ilalagay niya sa floor. Ta’s kukunin niya yung isa [...] Tapos kapag nakabihis na siya, e wala ng oras, aalis na siya, nando’n lahat nasa floor.”

Depensa ni Kath, visual person kasi siya kaya niya ginagawa ‘yon.

“Kailangan kong makita, like, lahat in a line for me to be able to pick what I want. Pero binabalik ko naman siya.”

Sa kasalukuyan, sila ang may-ari ng kompanyang NYMA, isang talent management company.