Pinagtibay ng Sandiganbayan ang hatol ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) na makulong ng 29 taon ang isang opisyal ng pulisya kaugnay ng kasong malversation noong 1992.

Sa desisyon ng anti-graft court, hindi nagkamali ang QCRTC Branch 88 sa pagpataw ng parusang pagkakakulong laban sa akusadong si Police Senior Insp. Mercita Eya.

Si Eya ay collecting officer at fund custodian ng 14th PNP Finance Center Unit noong 1995.

National

Abalos, tiwala sa kakayahan ni bagong DILG Sec. Jonvic Remulla

Nag-ugat ang kaso nang mawala sa kustodiya ni Eya ang ₱7 milyong PNP Scholarship Fund.

"A judicious review of the records of these cases and after a careful evaluation of the evidence presented by both the prosecution and accused-appellant during the trial of these cases as well as the arguments raised in this appeal, the Court finds no reason to disturb the findings of RTC Branch 88 as contained in its questioned joint decision," dagdag pa ng Sandiganbayan.

PNA