National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Pinalawig pa hanggang Abril 2, 2024 ang bisa o validity ng driver's license na expired na nitong Abril 3, 2023.

Sa social media post ng Land Transportation Office (LTO), sakaling wala pang sapat na suplay ng plastic card para sa mga lisensya hanggang sa nasabing petsa, posibleng i-extend muli ang bisa ng mga expired driver's license.

"Wala pong multa na ipapataw sa mga nabanggit na lisensya," pagdidiin ng LTO.

Paliwanag ng ahensya, sakaling mag-renew, tatatakan ng "Valid as Temporary Driver's License Until Plastic Card is Released" ang system-generated driver's license Official Receipt na kasama ng mga sumusunod na impormasyon:

a. Pangalan ng Issuing Office, Contact Personnel/Cellphone No./email address;

b. Pangalan at pirma ng releasing officer; at

c. Screenshot ng driver's license card (harap at likod) ng kliyente na naka-print sa likod ng Official Receipt

Ang luma o pasong driver's license card ay ibabalik sa may-ari at tatanggaping valid hanggang sa matanggap na nito ang bagong plastic card.