Sinabi ni “Ultimate Leading Man” Marco Gumabao na may nakita umano siyang pagkakapareho ng nanay niya at ng kasalukuyan niyang girlfriend na si Cristine Reyes, sa kaniyang panayam kay Ogie Diaz noong Martes, Setyembre 5.

Pagkatapos mapag-usapan ang naging karanasan ni Marco simula nang makulong ang ama niyang si Dennis Roldan sa kasong kidnapping, hindi napigilang humanga ni Ogie sa naging tibay at tatag ng loob ng ina ni Marco na si Loli Imperial-Gumabao.

“Ang tibay ng mommy mo, ha.” ani Ogie.

“Sobra,” segunda naman ni Marco.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Ang totoo, ayon kay Marco, kahit ang girlfriend niyang si Cristine ay nagpahayag din ng paghanga sa nanay niya.

“Even with Cristine, of course. Noong nakilala ni Cristine si Mama. Sabi rin ni Cristine na parang, grabe, hanga siya sa Mommy ko. Na parang feeling mo kasi, okay, mahiyain. Ganyan. Pero sobrang tibay. Sobrang tapang.”

Kaya nang tanungin si Marco ni Ogie kung hinahanap din ba niya sa isang babae ‘yung mga katangiang mayroon sa mommy niya, “oo” ang naging sagot ni Marco na sinegundahan ulit ni Ogie ng isa pang tanong.

“So mayro’ng ganun si Cristine?” tanong ni Ogie.

“Sobra. Lagi ko ngang sinasabi kay Cristine. Alam mo, Love, sabi ko, parehong-pareho kayo ng nanay ko. As in,” sagot ni Marco.

Inamin din ng aktor na matagal na umano niyang crush si Cristine.

Matatandaan na noong 2015 ay naging magkapatid ang karakter nina Cristine at Marco sa teleserye ng ABS-CBN na “Tubig at Langis”.