Dumating na sa Pilipinas si Australian Prime Minister Anthony Albanese para sa kanyang official visit nitong Biyernes.

Malugod na sinalubong ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si Albanese na unang Australian leader na bumisita sa bansa simula 2003.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ang pagbisita ni Albanese ay pagpapakita ng matatag na diplomatikong ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa sa loob ng 75 taon.

Pinasalamatan naman ng Pangulo ang Australian government dahil sa pagsuporta sa Pilipinas sa pag-angkin nito sa West Philippine Sea (WPS) at sa panawagang manatiling matatag sa gitna ng pagprotekta sa teritoryo nito.

“Thanks to you, Mr. Prime Minister, for the strong support that you have made for the Philippines, especially during the past ASEAN conference, where you have made very clear that the claims that are being made upon Philippine maritime territory are not valid and have not been recognized and not in conjunction or consistent with international law,” lahad ni Marcos sa ginanap na expanded bilateral meeting, kasama si Albanese sa Malacañang nitong Setyembre 8.