Sa kabila ng pagkabura ng ilan sa kaniyang social media accounts, may mensahe ang social media personality na si Rendon Labador sakaling tuluyan siyang burahin sa internet.

“Kung sakali na hindi ko na mababalik lahat at tuluyan akong burahin dito sa internet. Hindi ko sigurado kung makakapagvideo pa ako sa Youtube dahi lsa sitwasyon. Hindi ko alam kung propaganda ito para mapigilan nila ako,” paunang pahayag ni Labador sa kaniyang Instagram story nitong Biyernes.

“Ang mensahe ko sa mga naniniwala at gustong suportahan ang advocacy ko para sa katotohanan at maitama ang mga mali sa Pilipinas, kung binigyan ninyo ako ng platform para magsalita ay gagawin ko,” saad ng social media personality.

“Eto na lang ang workung email ko as of the moment, dito ninyo ako kausapin,” aniya sa mga naniniwala sa kaniya.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Samanta sa kaniyang latest Instagram story, hindi na rin aniya magamit ang personal Facebook account niya. Wala rin siyang paraan para sumagot sa mga mensahe sa kaniya.

“Pati ba naman Facebook messenger burado na ako? hindi ko na puwede gamitin? Nagpapahalata naman kayo masyado,” anang social media personality.

“Pati personal Facebook account ko hindi ko na magamit. Sa lahat ng nag-message, wala na po akong way para sumagot sa inyo ngayon,” ani Labador.

“Kahit comment, like and share or kahit messenger hindi ko na magamit as of the moment.”

Sinusubukan daw nilang kontakin ang Facebook.