National

De Lima, hinamon si Roque na sumuko: 'Hindi 'yung nagtatapangan lang siya!'

Si Tim Cone na ang coach ng Gilas Pilipinas na sasabak sa 19th Edition ng Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre 26.

Ito ang inanunsyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at Philippine Basketball Association (PBA) nitong Huwebes at sinabing kapalit ni Cone si head coach Chot Reyes.

Matatandaang nangako si Reyes na magbibitiw bilang coach ng Gilas Pilipinas kasunod ng kampanya nito sa 2023 FIBA Basketball World Cup.

Hindi bago sa National team si Cone dahil hinawakan din niya ang Philippine team noong 2019 Southeast Asian (SEA) Games na ginanap sa bansa kung saan nahablot ng koponan ang gintong medalya.

Isa rin si Cone sa deputy at bahagi ng coaching staff ni Reyes sa 2023 FIBA WC.

Si Cone rin ang nagmando sa National squad noong 1998 kung saan nakapag-uwi lamang sila ng bronze medal sa Asian Games sa Bangkok, Thailand.

Ibabandera naman ng Gilas ang naturalized center na si Justin Brownlee