Trending sa X ang social media personality na si Rendon Labador matapos burahin nang tuluyan ng Meta ang kaniyang verified at official Facebook account nitong Miyerkules ng tanghali, Setyembre 7.

Photo courtesy: X

Mismong si Labador ang nagbalitang wala na siyang FB account, sa pamamagitan ng kaniyang Instagram page.

Ipinangako naman ng social media personality na muli siyang magbabalik sa nabanggit na social media platform.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Sa X naman ay pinagtripan ng mga netizen ang "pagkamatay" raw ng kaniyang FB account.

Saad ng account na alt iWantTFC, "JUST IN: It is with our great s̶a̶d̶n̶e̶s̶s̶ joy that we announce the passing of Rendon Labador’s Facebook page."

"Our thoughts and prayers are with him as he [grieves] the loss of his page. He will always be remembered and will forever hold a special place in hell."

https://twitter.com/ALTiWantTFC/status/1699649585369731576

Saad pa ng iba:

"The world is healing!"

"IT'S OFFICIAL! Rendon Labador's page has already been taken down by Facebook. The world is healing."

https://twitter.com/iskolarium/status/1699647100588626118

"Let's MASS REPORT Rendon Labador on his IG & YouTube accounts. Don't underestimate the power of Madlang People! Kung nakaya natin i-mass report sa FB, why not mass report him again on IG & YT."

https://twitter.com/wagkanangm_wala/status/1699670993927815487

"RIP Rendon's FB and TikTok. Soon naman ang IG and YT."

MAKI-BALITA: ‘Tinuluyan ng Meta!’ FB account ni Rendon Labador burado na

Samantala, tila aware naman si Rendon sa mga birada sa kaniya sa X.

"Pilipinas, I will be back," pangako niya.

Photo courtesy: Rendon Labador's IG