Kaniya-kaniyang hula at espekulasyon ang mga netizen sa X post ni "E.A.T." host Maine Mendoza matapos niyang sabihing tila "sobrang nakakaantok" ang hapon.

Mababasa sa kaniyang X post nitong hapon ng Setyembre 6, "Grabe yung sobrang nakaka antok??? 🥱"

Photo courtesy: Maine Mendoza's X post

Bagama't may ilang nagsabing ganoon din umano ang nararamdaman nila sa hapon at inaya pa ang host-actress na baka kulang lang siya sa kape, may mga maaga nang nag-congrats dahil baka buntis na raw si Mrs. Atayde.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Matatandaang kakakasal lamang nina Maine at Arjo noong Hulyo 28 sa Baguio City.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Preggy na ba meng? 😍"

"Omaaaaay 🙈"

"Congrats na agad haha."

"OMG... baka naman iba na 'yan hahaha."

"Baka soon na Maine!!!"

Sa Pilipinas, isa umano sa senyales ng pagbubuntis ay madalas na pagkaantok.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, kumpirmasyon o pahayag si Maine hinggil sa mga espekulasyon ng mga netizen. Bukas naman ang Balita sa kaniyang panig.