To the rescue ang award-winning actress na si Nadine Lustre sa limang tutang nais na raw sanang itapon ng may-ari sa isang ilog, ayon sa kaniyang Instagram story noong Setyembre 5.

Noong una raw, inakala ni Nadine na nagbibiro lamang ang nagsabi sa kaniya tungkol dito, subalit nang malaman niyang totoo ito, agad nang kumilos ang aktres. Humingi siya ng tulong sa tanod para makuha ang mga tuta.

Hindi raw niya maaatim na mapahamak ang mga kaawa-awang tuta, kaya sa ngayon daw ay nasa pangangalaga muna niya ang mga pups. Hinahanapan na rin niya ito ng aampon ang tatlo pa dahil ang dalawa sa kanila ay may magmamay-ari na.

Mukhang kumakain na raw ng food ang mga tuta kaya madali na lamang alagaan ito.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"I just couldn't stand thinking they might die when I could've done something to help," aniya.

Photo courtesy: Nadine Lustre's IG