Natutuwa ang mga netizen kay Filipino-American basketball player Bobby Ray Parks, Jr. dahil bukod sa pagmamahal nito sa jowang si social media personality Zeinab Harake, tila full package na siya at kasama na rito ang pagiging daddy sa mga anak nito sa dating karelasyong si Daryl Ruiz o mas kilala bilalang "Skusta Clee."

Nitong Miyerkules, Setyembre 6 ay ipinost kasi ni Ray Parks ang litrato nila ni Zebbiana at may caption itong "There is this girl who stole my heart and he calls me daddy."

"Daddy 😍🖤🖤🖤🖤," tugon naman dito ni Bia.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

View this post on Instagram

A post shared by BRP (@ray1parks)

Sa comment section ay makikita naman ang mensahe ni Zeinab para sa jowa.

"I love you both so much 🥹🖤" ani Zeinab.

Sa isa pang Instagram post nig basketbolista na may caption na "Home" ay nagpasalamat si Zeinab sa pagmamahal ni Ray Parks hindi lamang sa kaniya kundi maging sa kaniyang anak.

Sa nabanggit na larawan ay kasama ni Ray Parks sina Zeinab, Bia, at adopted son nitong si Lucas.

"Thankyou for everything daddy ray especially sa love mo sa kids u the best mahal na mahal ka namin," anang Zeinab.

View this post on Instagram

A post shared by BRP (@ray1parks)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens. May nakapansin pa ngang magkamukha na raw sila.

"Nag-iisa ka Daddy Ray."

"Magkamuka na sila."

"Grabe deserved din ni Bia ang isang Daddy Ray."

"Like father, like daughter."

"I wish ikaw nalang daddy nila forever. Proud kami sa pag-aalaga mo sa anak ni Zeinab❤️

"She’s so lucky to grow up having a man like you looking out for her and her mommy ✨🥰 god bless your heart and continue showing all the guys out there how to treat a woman right."