Kumakalat sa X ang clip ng episode ng noontime show na "It's Showtime" nitong Martes, Setyembre 5, na nagpapakita ng pabirong hirit ni Unkabogable Star Vice Ganda, sa kabila ng 12 airing days na suspension na ipinataw ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB sa noontime program.

Sa segment na "Isip Bata," nagbiro si Vice na may natanggap siyang isang "letter."

Hindi itinuloy ni Vice ang buong "laman" daw ng liham subalit mahihinuhang ang tinutukoy niya ay liham mula sa tanggapan ng MTRCB, kaugnay ng kanilang suspension. Maririnig naman ang tawanan ng studio audience.

Hirit pa ng komedyante-TV host, "Pero Showtime family, kung anuman ang ipinagdasal ninyo kagabi, I'm very sure, iyon din ang ipinagdasal ng Madlang People."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

https://twitter.com/altcristifermin/status/1698949463291899915

Hanggang ngayon ay umeere pa ang noontime program dahil binigyan pa sila ng 15 araw upang mag-file ng motion for reconsideration.

Pinupuri naman ng mga netizen sina Vice Ganda at hosts dahil sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaraanan ng programa ay patuloy pa rin silang nagtatrabaho, nagpapasaya, at nagagawa pang gawing biro ang sitwasyon nila ngayon.

MAKI-BALITA: It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB

MAKI-BALITA: ‘Due process’ ng MTRCB sa suspension ng It’s Showtime, idinetalye