Niregaluhan ni Kapamilya actress Ivana Alawi ng Ford Territory  ang kaniyang bunsong kapatid na si Mona Alawi nitong Martes, Setyembre 5.

Pero bago ‘yon, nag-prank pa muna si Ivana sa kaniyang baby sister. Pinalabas niyang nabangga ng driver ng sinasakyan nilang van ang Ford Territory na ibibigay niya kay Mona na magiging ugat ng komosyon kalaunan. Sa gitna ng kaguluhan, makikita ang takot at kaba sa mukha ni Mona. Nang i-reveal ni Ivana na prank lang ang lahat, doon na umiyak ang kaniyang bunsong kapatid.

“Akala ko nakikipag-away ka kay Kuya,” naiiyak na sabi ni Mona sa kaniyang ate.

Pinaghandaan umano nila nang mabuti ang nasabing prank para hindi magsuspetsa ang kaniyang bunsong kapatid. Kaya noong nasa mamahaling restaurant sila sa Hongkong para i-celebrate ang birthday ng kapatid, nag-vlog na sila agad.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Kasi ma-o-obvious niya e kung hindi kami nag-vlog ng birthday niya. Sasabihin niya, ay, may plano yata ‘tong babaeng ‘to,” paliwanag ni Ivana.

Gustong-gusto umano ni Mona ang nasabing sasakyan. Sa katunayan, pag-iipunan daw ‘yon ng bata para mabili. Pero naisip ni Ivana, ireregalo na lang daw niya. Tutal, deserve naman nito.

“She’s studying hard. At nilalampasan niya ‘yong sakit niya. And she’s fighting hard.”

Matatandaan na noong Hulyo ay isiniwalat sa isang vlog ni Ivana ang tungkol sa lumalalang health condition ng kaniyang kapatid. 

Si Mona Alawi ay na-diagnose na may type 1 diabetes noong 2011.