Nakakuha si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ng $22 milyong investment pledges kasunod ng pakikipagpulong nito sa investor sa Indonesia nitong Martes, Setyembre 5.

Sa social media post ng Malacañang, isiningit lamang ng Pangulo ang nasabing pulong, kasama ang mga opisyal ng mga nangungunang kumpanya sa Jakarta, mula sa pagdalo nito sa 43rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits.

Nakasama ni Marcos sa naturang pulong ang matataas na opisyal ng PT Vaksindo Satwa Nusantara, PT Wir Asia Tbk, at Pasifik Satelit Nusantara (PSN).

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Kabilang lamang ang PT Vaksindo Satwa Nusantara na nagpahayag ng pagnanais na makipagtulungan sa local partner nito na Univet Nutrition at Animal Healthcare Company (UNAHCO Inc.) Philippines hinggil sa veterinary vaccines at itutuloy nito ang paggamit ng US$2 milyong investment ngayong taon.