Tila binarag daw ni Kapamilya actress Lovi Poe ang mga netizen na nagpapakalat ng tsikang baka hindi na siya babalik sa seryeng "FPJ's Batang Quiapo" bilang leading lady ng direktor at lead star nitong si Coco Martin matapos magpakasal sa Europe sa jowang afam na si Monty Blencowe.

Matatandaang naging usap-usapan na baka hindi na raw bumalik si Lovi sa Pilipinas dahil magse-settle na ito for good sa ibang bansa para mas makasama nang matagal ang mister.

MAKI-BALITA: Lovi Poe exit daw muna sa ‘Batang Quiapo’ para sa kasal

Pero naiba ang ihip ng hangin dahil kahit kung tutuusin ay nasa honeymoon stage pa si Lovi, bumalik na raw ito sa Pinas para sumige ulit ng taping.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Means to say, mananatili siyang leading lady ni Coco at stay pa rin ang karakter niyang si "Mokang."

Isa pa, kasama si Lovi at Coco sa "ASAP Natin 'To" sa Milan, Italy.

May mga tsika kasing si Kapamilya sexy actress-vlogger Ivana Alawi na raw ang papalit sa trono ni Lovi.

Isa pa pala sa nadagdag sa cast ay ang matagal na Kapuso at nagbabalik-Kapamilyang si Jaclyn Jose.

Baka napakiusapan ni Coco si Jaclyn na sumama sa serye since matagal na silang nagkakasama sa mga indie films. Noong Summer Metro Manila Film Festival, muli silang nagkasama sa pelikulang "Apag" ni Brillante Mendoza.