Sabi nga nila hindi ka tunay ng ‘fur parent’ kung hindi ka nababalahibuhan ng alaga mo.

Tila maraming naka-relate sa Facebook post ng netizen na si Jessa Mae B. Valdez sa isang Facebook group nang ibahagi niya ang suot na damit na punong-puno ng balahibo mula sa kaniyang mga alagang pusa.

Human-Interest

Concerts, certified stress reliever ayon sa psychologist?

screenshot ng FB post ni Jessa Mae B. Valdez

“Uuwi na ba ako o hahayaan ko na lang? ‘Di ko napansin kakamadali hahaha,” saad ni Valdez sa caption.

Sa eksklusibong panayam sa Balita, ikinuwento ni Valdez na kalaro niya ang dalawa niyang alagang pusa na sina Luna at Ice habang naghihintay sila ng kaniyang asawa sa binook na uber.

Kasalukuyang nasa Saudi Arabia si Valdez.

“Nung dumating na ‘yung uber, ‘di na namin namalayan na marami pa lang balahibong dumikit [sa damit ko]. Pagdating namin sa mall doon na nakita ng asawa ko,” kuwento nito.

“Gabi kasi ‘yun kaya ‘di napansin agad, mga 8 pm kami pumunta ng mall,” dagdag pa niya.

Pinagpagan na lang daw ng asawa niya ang damit niya gamit ang panyo.

Ibinahagi rin ni Valdez sa Balita ang napaka-cute na larawan ng alagang si Luna. Kuwento niya, grabe raw talaga maglagas ang balahibo nito.

larawan mula kay Jessa Mae B. Valdez via Nicole Therise Marcelo

Samantala, habang isinusulat ito, nasa mahigit 163K FB reactions, 2.1K comments, at 11K shares ang Facebook post ni Valdez.

Umani rin ito ng mga reaksyon sa mga naka-relate na netizens.

“Hayaan mo na tutal pinaghirapan mo ang kinakain niya”

“Pag nakakakita ako ng balahibo sa damit ko pag umaalis ako minsan natutuwa ako di ko inaalis haha proud.”

“Sign ng Cat lovers ka”

“dika nag iisa friend ganyan din kami puros balahibo lalo pag black ang suot mo kitang kita balahibo”

“Relate much.. kaya bihira ako mag suot ng makulay na damit kasi madalas bago ako umalis ng bahay lalo na kung papasok na sa work hindi pede hindi muna ako mag papaalam sa mga fur babies ko at yayakap at hahalik”

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!