Iniisyu ng ilang netizen ang pagbuhat umano ni Kapuso star Bea Alonzo sa birthday cake ni Kyline Alcantara, na nagdiwang ng kaniyang kaarawan sa Sunday musical variety show na "All-Out Sundays" o AOS ng GMA Network.

Hindi raw kasi "nakaka-reyna" ang pagbitbit ni Bea ng cake ni Kyline, gayong naroon naman daw ang iba pang lalaking hosts gaya nina Rayver Cruz at Mavy Legaspi. Nangyari ito pagkatapos daw ng birthday prod ni Kyline noong Linggo, Setyembre 3.

Ayon sa entertainment Facebook page na "Philippine Entertainment," marami sa mga netizen ang tila nawindang sa ginawa kay Bea lalo't tinatawag pa naman itong "Movie Queen" at "Box-Office Queen."

Maging sa Facebook page na "Certified Kapamilya" ay naitampok din ito.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Mababasa sa caption, "This Generation's Box Office Queen (courtesy of ABS-CBN and Star Cinema), pinaghawak lang ng birthday cake, sa isang GMA show. No other pa-comments."

Sabi pa sa ulat, halatang nangangalay na raw si Bea sa pagbitbit sa nabanggit na cake.

"Hindi nakaka-box-office queen ang treatment. Ayusin n'yo naman AOS!" ayon umano sa post ng isang netizen sa X.

Ngunit ayon naman sa mga tagahanga at tagasuporta ni Bea, ipinakikita raw ng award-winning actress kung gaano siya ka-humble.

"I guess a better caption for this is how humble Bea is na sya pa ang kumuha ng cake para hawakan ito at mareceive ni birthday celebrant ang bouquet of flowers."

"Mabait c miss BEA kaya walang isyu sa kanya ang paghawak niya ng cake."

"Sana tigilan yung ganito na alam nyong gustong gusto ipick up ng mga bashers nya lalo na kung out of context naman."

"Kayo talaga, ano ba masama kung magbuhat ng cake, issue na po ba yun..."

"Ginusto nya yarn, respetuhin natin..."

"Pinoy nga naman talaga. Napakasimpleng bagay gagawing big deal..."

"Big star Kasi si Bea kaya ganun nalang din reaksyon Ng iba pero makikita na kahit BIG STAR sya makikita na HUMBLE Po sya."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Bea o ng AOS tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.