“Parang binabantayan niya ‘yung bestfriend niya na nasa heaven na…”

Marami ang naantig sa post ni Kristine Mikaella Garcia, 24, mula sa Mandaluyong City, tampok ang kaniyang pusa na lagi umanong nakabantay sa larawan ng kaniyang namatay na baby.

Ang baby Snow ko palagi syang nandiyan. Parang binabantayan niya ‘yung bestfriend niya na nasa heaven na… Pero eto ‘yung picture na nagpaluha sa’kin. Parang kinakausap niya, miss na miss niya ang baby sister nya. I love you two😘,” caption ni Garcia sa kaniyang Facebook post na umani na ng mahigit 2,200 reactions, 63 comments, at 21 shares.

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ni Garcia na dahil madalas nasa trabaho ang kaniyang partner, talagang ang kaniyang mga pusang sina “Snow” at “Bella” raw ang nakakasama niya sa bahay.

Human-Interest

Concerts, certified stress reliever ayon sa psychologist?

“My fur babies Snow and Bella are my bestfriend since I was pregnant. Sila lagi ang kasama ko sa bahay ‘pag pumapasok sa work ang Daddy nila at lagi kong kausap tungkol sa baby ko,” kuwento ni Garcia sa Balita.

Maging sa pinakamalungkot na bahagi raw ng kaniyang buhay ay hindi siya iniwan ng mga ito.

“My baby was a stillborn at 7 months of my pregnancy. She was diagnosed with a rare condition called ‘Hydrops Fetalis’,” pagbabahagi ni Garcia. 

“Ang mga pusa ko po naging kasama ko after mawala ng baby ko kasi nagwo-work po ‘yung partner ko. Super depressed at sinabayan pa ng pospartum depression pero silang dalawa nakatulong sa’kin. ‘Pag malungkot o umiiyak ako, nasa tabi ko sila,” saad pa niya.

Matapos raw mawala ang kaniyang anak noong buwan ng Marso ngayong taon, lagi na raw nakikita ni Garcia ang pusa niyang si Snow sa harap ng larawan ng kaniyang yumaong baby.

“Parang binabantayan niya si baby and this time nilapitan nya ng sobra. May times din na ‘pag umiiyak ako, tinititigan  at tinatabihan niya ako,” saad ni Garcia.

“Snow loves me very much and I know mahal na mahal din nya ang bff nya ♥️♥️♥️,” dagdag pa niya.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!