Sumagot na ang Queendom member na si Jessica Villarubin kaugnay sa kaniyang naging pagbirit sa lamay ng namayapang Kapuso Broadcaster Mike Enriquez nitong Biyernes, Seteymbre 1.

Sa eksklusibong panayam ng PEP kay Jessica nitong Linggo, Setyembre 3, nagulat umano siya kung bakit trending ang kanilang naging pagkanta ng “Lead Me Lord” sa lamay ng nasabing broadcaster.

"Nung una, ay nabigla ako, bakit trending. Pero isang karangalan na nakapaghandog kami ng kanta para kay Sir Mike Enriquez sa huling pagkakataon," sagot ni Jessica.

Kaugnay naman sa mga natanggap niyang paratang sa pagbibida ng sarili, sinabi niyang huwag na sanang bigyan pa ng ibang kahulugan ang ginawa niya.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Bago po kami kumanta sa funeral ni Sir Mike ay pinaghandaan po namin yon,” paliwanag ng singer.

Dagdag pa niya: “Buong-puso ko lang kinanta ang parte na ibinigay sa akin. Andun po kami para magbigay- pugay kay Sir Mike".

Si Jessica Villarubin ang ikatlong grand champion sa singing competition ng GMA na “The Clash”.

MAKI-BALITA: Queendom kumanta sa lamay ni Mike; Jessica Villarubin inokray sa birit