Multa na hanggang ₱15,000 ang naghihintay sa mga driver ng public utility vehicle (PUV) na hindi magbibigay ng 20% discount sa mga estudyante.

Ito ang pahayag ng Department of Transportation (DOTr) at sinabing basta may identification (ID) card ang sinumang estudyante ay maaaring mabigyan ng diskuwento.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Paliwanag ng DOTr, magmumulta ng ₱5,000 ang mga driver sa unang paglabag sa Student Fare Discount Act (Republic Act 11314.

Sa ikalawang paglabag, nasa ₱10,000 ang magiging multa ng mga ito, bukod pa ang pag-impound ng kanilang sasakyan at sa ikatlong paglabag ay pagmumultahin ng ₱15,000 ang mga driver, kasama na ang kanselasyon ng prangkisa.

"Dapat bigyan ng 20% discount ang mga estudyanteng sasakay sa mga pampublikong sasakyan — weekend man, holiday, summer o semestral break," anang DOTr.

Saklaw ng diskuwento ang elementary, high school, tertiary at technical vocational students, dagdag pa ng DOTr.