Nakapagtala pa ng 137 rockfall events ang Mayon Volcano sa nakaraang 24 oras.

Sa website ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagkaroon din ng walong volcanic earthquakes ang Mayon at dalawang pyroclastic density current (PDC) events.

Nagbuga rin ng lava ang bulkan at umabot sa 3.4 kilometro ang naapektuhan nito sa Bonga Gully.

Gumapang naman ng 2.8 kilometro ang lava flow sa Mi-isi Gully habang 1.1 kilometrong pagdaloy nito sa Basud Gully.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Huling nagpakawala ng sulfur dioxide ang Mayon Volcano nitong Setyembre 2 kung saan umabot ito ng 1,987 tonelada.

Ipinatutupad pa rin ang 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan dahil sa nakaambang pagsabog nito anumang oras.