Uminit daw ang ulo ng beteranang aktres na si Snooky Serna kay drag artist Pura Luka Vega dahil sa ginawa nitong drag art performance na gumagaya kay Hesukristo at paggamit sa "Ama Namin" remix, na naging dahilan upang madeklara siyang "persona non grata" ng iba't ibang lugar at probinsya sa bansa.

"Umiinit ang ulo ko diyan, Tito Jobert," sey ni Snooky. "Nati-trigger ako rito kay Pura Pura na 'to."

Ayon naman sa kaniyang guest sa vlog na si Jobert Sucaldito, gusto raw niyang sabunutan si Pura Luka Vega.

"I hope it doesn't happen again," saad ni Jobert. "It doesn't happen again, because you know, ako, I'm a devoted Catholic kasi ako eh, gusto kitang sabunutan actually, gusto kitang sabunutan... I hope maisip mo ito, though ang katwiran mo eh wala ka namang intensyong paglaruan, pero please... maraming bagay na puwede mong gawin... Pura Luka Vega, God bless you," nasabi na lamang ni Jobert.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Dagdag naman ni Snooky, "Marami ka pang time anak to... I hope in your life, feel the love and forgiveness of God in your life..."

Nagpunta na agad sila sa ibang usapan dahil tila uminit at sumakit na ang dibdib ni Snooky sa kaniya.

Matatandaang ang huling lalawigang nagdeklarang persona non grata kay Vega ay ang Capiz.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega, idineklara na ring persona non grata sa Capiz 

Sa isa pang video, diretsahang sinabi ni Vega na wala siyang pakialam kung madagdagan pa ang listahan ng mga lugar at lalawigang nagdeklarang persona non grata laban sa kaniya.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega wafakels sa persona non grata: ‘Dagdagan n’yo pa!’