Kaloka ang mga pasabog at rebelasyon ng showbiz news insider na si Jobert Sucaldito matapos niyang sagutin ang tanong kung sino sa mga artista o celebrity ang nakabangga niya at tuluyan nang tinanggal sa kaniyang alaala o memory.

Prangkang sinabi ni Jobert na ito ay si Asia's Phoenix Morissette Amon.

Diretsahang sinabi ni Jobert sa vlog ng beteranang aktres na si Snooky Serna na umere noong Agosto 26 na hindi niya nagustuhan ang ginawa ng dating anak-anakan, sa pag-walk out nito sa isang concert.

Ginuest daw niya si Morissette sa show ng isa sa kaniyang talents, dumating naman daw ito, pero nag-walk out.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Ang dahilan daw, nagagalit na raw ang jowa nitong Dave Lamar na naghihintay sa kaniya sa labas, dahil dadalo pa raw sila sa birthday party ng Kapamilya singer na si Moira Dela Torre.

"You have to learn to be professional," anang Jobert. "Hinding-hindi ko makakalimutan 'yan because it ruined my relationship with Martin Nievera."

Ayon kay Jobert, kaibigan at kumpare niya si Martin na tinaguriang "Concert King" ng Pilipinas.

Nagkomento at ipinagtanggol daw kasi ng Concert King si Mori, at sinabi nitong intindihin na lang sana ni Jobert ang singer dahil dumaraan ito sa depresyon.

"Ako producer eh. Siyempre ayokong isipin ng mga tao na niloko ko sila. Ngayon, gusto ko lang siyang makita sa stage, kahit hindi na siya kumanta. Ang ginawa niya, she ran away. Mabuti na lang nahuli siya ng camera. Nahuli siya ng mga videos. Kasi si Martin kinampihan siya...."

"Sabi ko 'Martin, doon ka nagkakamali. Sa edad mong 'yan as a senior artist, dapat tinuturuan mo ang young artists to be professional."

Ang ibang artists daw ay namamatayan pa nga pero "the show must go on" pa rin.

Nakakadismaya raw na hindi naman pala siya depressed dahil ang dahilan nga ng walk out ay nag-aaway na sila ng jowa niya, dahil nga mahuhuli na sila sa pagdala sa birthday party ni Moira.

Napatawad na raw ni Jobert si Moira subalit hinding-hindi raw niya makakalimutan ang ginawa ng singer.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Morissette o ni Martin hinggil sa isyu. Bukas ang Balita para sa kanilang panig.