Inamin ng showbiz news reporter at columnist na si Jobert Sucaldito na nawasak ang relasyon nila bilang magkaibigan at magkumpare ni Concert King Martin Nievera dahil sa isyu ng walk-out sa isang show ni Asia's Phoenix Morissette Amon noon.

Iyan ang prangkang rebelasyon ni Jobert sa vlog ng batikang aktres na si Snooky Serna.

Sinagot ni Jobert ang tanong ng isang netizen kung sino sa mga artista o celebrity ang nakabangga niya at tuluyan nang tinanggal sa kaniyang alaala o memory.

Walang patumanggang sinabi ni Jobert na ito nga ay si Morissette.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Hindi niya umano nagustuhan ang ginawa ng dating anak-anakan, sa pag-walk out nito sa isang concert nang maimbitahan niya ito sa show ng isa sa kaniyang talents, dumating naman daw ito, pero nag-walk out.

Ang dahilan daw, nagagalit na raw ang jowa nitong Dave Lamar na naghihintay sa kaniya sa labas, dahil dadalo pa raw sila sa birthday party ng Kapamilya singer na si Moira Dela Torre.

"You have to learn to be professional," anang Jobert. "Hinding-hindi ko makakalimutan 'yan because it ruined my relationship with Martin Nievera."

Ayon kay Jobert, kaibigan at kumpare niya si Martin na tinaguriang "Concert King" ng Pilipinas.

Nagkomento at ipinagtanggol daw kasi ng Concert King si Mori, at sinabi nitong intindihin na lang sana ni Jobert ang singer dahil dumaraan ito sa depresyon.

Pero ang punto ni Jobert, dapat daw si Martin ang nagsuweto kay Morissette na mas maging professional since siya ay senior artist na.

"Ako producer eh. Siyempre ayokong isipin ng mga tao na niloko ko sila. Ngayon, gusto ko lang siyang makita sa stage, kahit hindi na siya kumanta. Ang ginawa niya, she ran away. Mabuti na lang nahuli siya ng camera. Nahuli siya ng mga videos. Kasi si Martin kinampihan siya...."

"Sabi ko 'Martin, doon ka nagkakamali. Sa edad mong 'yan as a senior artist, dapat tinuturuan mo ang young artists to be professional."

Ang ibang artists daw ay namamatayan pa nga pero "the show must go on" pa rin.

Nakakadismaya raw na hindi naman pala siya depressed dahil ang dahilan nga ng walk out ay nag-aaway na sila ng jowa niya, dahil nga mahuhuli na sila sa pagdala sa birthday party ni Moira.

Napatawad na raw ni Jobert si Moira subalit hinding-hindi raw niya makakalimutan ang ginawa ng singer.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Morissette o ni Martin hinggil sa isyu. Bukas ang Balita para sa kanilang panig.

MAKI-BALITA: Sa isyu ng walk out: Morissette Amon shunggal na sa memory ni Jobert Sucaldito