Aware ang sikat na American singer-songwriter na si Mariah Carey na sa pagpasok ng "Ber Month" ay muli na namang maririnig sa Pilipinas ang kaniyang tinig, lalo na ang kaniyang pinasikat na Christmas song na "All I Want For Christmas Is You."

Kaya naman sa kaniyang X post nitong Setyembre 3, sinabi ni Mariah na pagdating sa mga PInoy, pinapayagan niyang patugtugin muli ang kaniyang awitin, dahil kilala nga ang mga Pilipino sa mahabang pagdiriwang ng Kapaskuhan, basta't tumapak na ang Setyembre, na pagsisimula ng "Ber Month."

Aniya, "🗣️🗣️🗣️ Not yet!!!!"

"I’ll allow it for my Filipino lambs though! 🐑❤️ (I don’t make the rules! 🤷‍♀️)"

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kalakip ng kaniyang post ang isa pang X post mula sa fan-based account niya, na nagbabalitang tumaas ang streaming ng kaniyang kanta sa Spotify simula nang pumasok ang Setyembre 2023, kumpara sa nakaraang taon.

"@MariahCarey's 'All I Want For Christmas Is You' received 316K streams on Spotify yesterday, a 75% increase compared to the same day in 2022."

Bukod kay Mariah Carey, isa rin sa inaabangan ng mga netizen ay ang Filipino singer-songwriter na si Jose Mari Chan.

https://twitter.com/MariahCarey/status/1698079062155989028