Bawal na ang pagdadala ng mga anak o bata sa loob ng tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Central Office sa Quezon City.

Ito ang panawagan ng ahensya sa mga magulang na nagtutungo sa nasabing ahensya upang humingi ng tulong.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

"Dahil sa limitado lamang ang pasilidad ng tanggapan para sa mga kliyente ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), mahigpit na ipinagbabawal ng DSWD ang pagdadala ng mga anak o mga bata sa loob ng ahensiya. Ito ay para maiwasan ang anumang panganib o aksidente na maaaring mangyari sa kanila," anang ahensya.

Ipinagbabawal din ng ahensya ang pananatili ng mga kliyente sa paligid ng DSWD na lagpas sa oras ng trabaho at paghihintay o pag-aabang sa pila ng gabi hanggang madaling araw.

Nilinaw ng DSWD, bukas sa lahat ng rehiyon sa bansa ang nagsisilbing action center nito na Crisis Intervention Unit mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.