Proud na ikinabit sa bag at ginawang ID ng tatay na delivery rider ang graduation picture ng kaniyang anak na nakapagtapos bilang cum laude.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Tatay Elmer Mallanao, 50, mula sa Antipolo City, ibinahagi niyang proud talaga siya sa bunso niyang anak na si Sophia na nakapagtapos ng kursong BS in Financial Management.

Kuwento pa niya, tatlong taon na raw siyang deliver rider at ito rin ang ipinambubuhay niya sa kaniyang pamilya.

Sa gitna ng hirap ng buhay, nakitaan daw ni Tatay Elmer ang kaniyang anak ng kasipagaan at pagpupursigi para makapagtapos ng pag-aaral.

Human-Interest

Concerts, certified stress reliever ayon sa psychologist?

"Masikap at resourceful siya, nag-working student siya para makatapos," pagbabahagi niya.

Dahil wala naman umano siyang pera para ipa-tarpaulin ang graduation picture ni Sophia, naisip daw niyang ipa-laminate ito at ikabit sa bag na ginagamit niya sa trabaho upang maipakita ang pagiging proud niyang tatay.

Una namang kumalat sa social media ang larawan ni Tatay Elmer sa pamamagitan ng Facebook post ng netizen na si Mark Palanca, 43, mula sa Taytay, Rizal.

“Pagod mula sa isang linggong trabaho tas makikita ko to. Nakakaproud maging magulang na lumalaban araw araw.,” ani Palanca sa kaniyang post na mayroon na ring 27 shares.

Sa eksklusibo namang panayam ng Balita kay Palanca, ibinahagi nitong pauwi siya galing trabaho nang makita niya si Tatay Elmer sa kalsada sa Rizal.

"Sinaluduhan ko siya at binusinahan along Ortigas Avenue Cainta, then nag-abot kami sa trapik sa junction kaya nakakuha ako ng tyempo na makuhaan siya," kuwento ni Palanca.

Naisipan naman daw niyang i-post ito sa Facebook upang magbigay ng inspirasyon sa kapwa nila mga magulang.

“Salamat sa pagbibigay inspirasyon sa mundong puno ng negatibo, magiingat ka lagi at wag na wag ka makakalimot sa taas,” mensahe rin ni Palanca kay Tatay Elmer.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!