Inayudahan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang isang pamilyang namatayan ng tatlong miyembro sa isang sunog sa Quezon City kamakailan.

Sa social media post ng DSWD, binanggit na personal na pera ni Gatchalian ang ipinantulong sa nasabing pamilya na taga-Rizal, Occidental Mindoro.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Bukod dito, tiniyak din ni Gatchalian sa pamilya na makakakuha rin sila ng dagdag na financial assistance sa ahensya.

Ang nasabing pamilya ay kasama ng kanilang alkalde na si Sonny Pablo nang bumisita sila sa DSWD Central Office nitong Setyembre 1.

Sa nasabing pagkakataon, tinalakay din nina Gatchalian at Pablo ang iba pang paraan upang matulungan ang naturang pamilya.

Matatandaang 15 ang naiulat na nasawi matapos masunog ang pagawaan ng t-shirt sa Barangay Tandang Sora sa lungsod nitong madaling araw ng Agosto 31.