Matapos umanong personal na humingi ng apology si Head Coach Chot Reyes ng "Gilas Pilipinas" kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) chairman emeritus Manny V. Pangilinan dahil sa pagkatalo ng koponan, sa Pinoy basketball fans naman ng Gilas nag-sorry ang head coach.

Hindi kasi nakaalagwa ang koponan sa kanilang mga nakalabang koponan mula sa ibang bansa, kaya ganoon na lamang ang pagkadismaya at pagbato ng matitindi at masasamang salita ng netizens laban kay Reyes.

Sa ulat ng "One News," sinabi mismo ni MVP na talagang humingi ng dispensa sa kaniya si Reyes dahil sa mga nangyari, lalo't sa Pilipinas pa ang isinasagawa ang laban.

“I’ve had [apologized] numerous times [to the fans]. I have already said that I’m really sorry that we were not able to deliver and I take full accountability, I take full responsibility,” saad umano ni Reyes, sa ulat naman ng Tempo.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Samantala, bilang depensa naman para kay Coach Chot ay nagpakawala ng kaniyang X post si GMA news anchor Atom Araullo.

MAKI-BALITA: Atom Araullo: ‘Minsan parang mas harsh pa tayo sa coach ng basketball kesa elected officials natin’