Binasag na ni James Reid ang kaniyang katahimikan hinggil sa ilang mga isyung naganap sa kanila ng business partner na si Jeffrey Oh, matapos itong arestuhin ng mga awtoridad kamakailan, kaugnay ng kanilang talent agency na "Careless."

Ayon sa panayam sa kaniya ni MJ Felipe na mapapanood sa YouTube channel ng ABS-CBN News, "business as usual" daw sila sa Careless bagama't nakabibigla ang mga naganap.

Marami raw silang pinagkakaabalahan ngayon lalong-lalo na ang international collaborations.

"It has been rough. One of the biggest challenges so far. But we are learning a lot. Honestly, we just keep getting stronger," aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hindi naman daw huminto sa operasyon ang Careless sa kabila ng mga nangyari.

Natanong ni MJ si James kung ano ang naramdaman niya sa "turns of events" na nangyari sa kanila, lalo na sa tsikang ang tatay raw ni James ang nagpadakip kay Jeffrey Oh.

"I was shocked, me, my family, especially my dad. We were shocked. Especially with the rumors coming out."

Na-upset daw ang kaniyang ama sa lahat ng mga nangyayari.

Pagdating naman kay Liza Soberano na nasa kanilang pamamahala, wala raw dapat ipangamba ang fans dahil hindi naman daw mababakante ng mga proyekto ang aktres. May mga gagawin daw si Liza na hindi pa nito nagagawa dati.

"When it comes to Liza, there are amazing projects coming up... nothing to worry about... she is preparing something special for them..." ani James.