Nakataas pa rin sa Signal No. 1 ang Batanes dahil sa bagyong Hanna na mas lumakas pa ngayong Sabado ng hapon, Setyembre 2, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA nitong 5:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyong Hanna 375 kilometro ang layo sa East Northeast ng Itbayat, Batanes, na may maximum sustained winds na 140 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong 170 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-west northwest sa bilis na 20 kilometers per hour.

Base sa forecast track ng PAGASA, pinalalakas ng bagyong Hanna ang southwest monsoon o habagat na magdudulot naman ng mga pag-ulan ang kanlurang bahagi ng Luzon sa susunod na tatlong araw.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Inihayag din ng PAGASA na patuloy na maghahatid ang habagat ng gusty conditions sa Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Nueva Vizcaya, Zambales, Pampanga, Bataan, Aurora, Bulacan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, at northern portion ng Eastern Visayas ngayong Sabado at sa Linggo, Setyembre 3.

Inaasahan naman umanong lalabas ng PAR ang bagyo at didiretso sa Taiwan Strait sa Lunes ng umaga, Setyembre 4.