Mukhang may "Apple of the Eye" ang kababaihan, sangkabekihan at basketball fans sa koponang "Gilas Pilipinas"--- walang iba kundi ang basketball cutie na si "Dwight Ramos."

Viral sa social media si Dwight ngayong Sabado, Setyembre 2, ang mga larawan ni Dwight habang sumasakay sa isang inupahang motorsiklo sa kinuhang transportation and ride-hailing app. 25th birthday rin pala ni Dwight ayon sa post ni Bobby Ray Parks, Jr.

Batay sa comment section, tila maraming gusto na lang maging rider, helmet, o kaya motorsiklo!

Sa galing, tindig at karisma ay talaga namang daw hindi kataka-takang maraming kinikilig ngayon kay Dwight. Sino nga ba si Dwight Ramos?

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Bago pa man siya sumabak sa 2023 FIBA Basketball World Cup at tawaging "Saint Dwight," ang Filipino-American professional basketball player ng Levanga Hokkaido para sa Japanese B.League. Siya rin ay sumikat sa college basketball ng Ateneo Blue Eagles para sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

American citizen si Dwight dahil isinilang siya noong Setyembre 2, 1998 sa West Covina, California, USA ng kaniyang mga magulang na sina Artemio Ramos na tubong Ilocos Sur at Liliya Ramos mula naman sa bansang Russia. Siya ang panganay sa tatlong magkakapatid.

Ayon kay Gilas Pilipinas Head Coach Chot Reyes, pangalawa si Dwight sa "best-scorer" ng koponan, susunod kay Jordan Clarkson.

Mula mismo kay Coach Chot, si Dwight daw ay isang "total package."

"He's a great complement to Jordan and it’s not only his scoring but everything he does, the way he defends and rebounds, everything, makes him a complete package," ani Chot sa isang panayam.

Kaya naman hindi masisisi ang mga tao kung bakit kinakikiligan ngayon si Dwight, dahil sa angking-husay na nga sa basketball, hindi naman kasi talaga maitatanggi ang kaniyang good looks at charm.

Pero sorry na lang sa mga "nagpapantasya" kay Saint Dwight dahil in a relationship na siya kay volleyball star Kianna Dy!

"Happy birthday, Saint Dwight! Love you to the moon vroom vroom skrrt skrrt zoom zoom," ayon pa sa pagbati ni Kianna kay Dwight sa kaarawan nito noong nakaraang taon.

Nagdiwang din sila ng 2nd anniversary noong Hunyo.