Naantig ang kalooban ng mga netizen sa naging pahayag ni KC Concepcion sa panayam sa kaniya ni Ogie Diaz, tungkol sa pagkakaroon ng "blended family."

Si KC ay anak nina Megastar Sharon Cuneta at dating mister na si Gabby Concepcion.

Sa ngayon, may sariling pamilya na sina Shawie at Gabby.

Pakiramdam daw ni KC ay tila "naiwan siya sa gitna."

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

"Yung mga pamilya na buo, yung mga hindi nakaranas ng hiwalayan, baka po mahirapan maintindihan yung mga blended family o yung mga bata na katulad ko na lumaki sa kakaibang situation," ani KC.

"Even families na buo, hindi perfect..."

"Siyempre may pamilya na rin yung mother side ko, may pamilya na rin yung father side ko. Minsan mafi-feel mo na mag-isa ka lang sa gitna," dagdag pa.

Tanggap na rin daw ni KC na hindi lahat ng pamilya ay nagkakasundo, hindi lahat ng pamilya ay smooth ang magiging relasyon.

Sa kabilang banda, sinabi rin ni KC na sinisikap niyang makipag-ugnayan pa rin sa kaniyang blended family dahil mahal na mahal daw niya ang pamilya.

Maayos din umano ang ugnayan nila ng pamilya ni Gabby at pamilya ni Sharon, bagama't aminado si KC na may mga bagay man silang pinagkakapareho ng ina, may mga bagay rin sing magkaibang-magkaiba sila.

Ang nabanggit na panayam ay para sa promotion na rin ng kaniyang pelikulang "Asian Persuasion."