Nagbigay ng matulaing mensahe sa Instagram ang aktor at politiko na si Jason Abalos sa kaniyang asawang si Vickie Rushton para sa kanilang 1st wedding anniversary.

“Isang taon na tayong [mag-asawa]

Isang taon hindi lang tayo dalawa.

Biniyayaan, tayo ay ganap ng pamilya.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Ating nasilayan, at siya ay tinawag mong Knoa.

“Nasaksihan ang iyong pagiging Ina,

Alam kong hirap ka pero kinakaya.

Maibigay mo lang ang gatas para sa labi niya.

Pagmamahal mo sa [kaniya] wala ng papantay pa.

“Lahat gagawin upang makatugon

Para sa akin ikaw ay inspirasyon.

[Atensiyon] ko sa iyo nakatuon

Aalalayan ka sa [oras-oras] na pagbagon.

“Happy anniversary baba. @vimrushton

Mahal ko kayong dalawa :)”

Tila naantig naman ang puso ng kaniyang kabiyak batay sa naging tugon nito sa comment section:

“Awww 😭 Happy Anniversary Baba. I love you and Knoa very much!!! ❤️”

Ang Knoa na tinutukoy ni Vickie ay ang panganay nilang anak ni Jason na isinilang ngayon ding araw. 

Sa IG account ni Vickie, makikita ang larawan ng kaniyang daliri kasama ang kamay ng isang baby kung saan nakasaad sa caption ang “Our greatest blessing."