
(Manila Bulletin File Photo)
Higit ₱8.9M premyo sa Megalotto draw, tinamaan na!
Isang mananaya ang kabilang sa bagong milyonaryo matapos tamaan ang jackpot sa 6/45 Mega Lotto draw nitong Biyernes ng gabi.
Aabot sa ₱8,910,000 ang maiuuwi ng nasabing bettor na hindi na binanggit ang pagkakakilanlan.
Paliwanag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nahulaan nito ang 6-digit winning combination na 30-42-39-12-35-18.
Pinayuhan ito ng PCSO na kubrahin ang kanyang premyo sa main office nito sa Mandaluyong City at dalhin ang dalawang valid identification (ID) cards, kasama ang winning ticket.
Binobola ang Mega Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.