Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) ang ₱9.1 milyong halaga ng umano'y puslit na sigarilyo sa ikinasang operasyon sa General Santos City kamakailan.

Sinabi ng BOC, hinarang nila ang tatlong closed van truck sa Barangay Bawing, General Santos City nitong Agosto 24 matapos silang makatanggap ng impormasyon na nagde-deliver ito ng mga puslit na sigarilyo.

Nasa 17,000 ream ng sigarilyo ang nadiskubreng sakay ng tatlong truck, ayon sa BOC.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kasama rin sa operasyon ang mga operatiba ng BOC-Customs Intelligence Investigation Service (CIIS), Enforcement Security Service (ESS), Task Force GenSan Bawing Detachment at Intelligence Services of the Armed Forces of the Philippines (AFP).

Hindi na binanggit ng BOC kung ilan ang naaresto sa nasabing operasyon.