Matapos mabura ang kaniyang TikTok account, tila nagpatutsada ang social media personality na si Rendon Labador sa social media platforms na Instagram at YouTube.

Aniya, baka raw nahihiya pa ang dalawang nabanggit na social media platforms na tanggalin din ang kaniyang accounts dito.

Nasasaad sa kaniyang post, "Baka Instagram at YouTube nahihiya pa kayo? Baka gusto ninyo nadin sundan ang pag delete ng lahat ng socmed accounts ko?”

Dagdag pa niya, “Grabe dito sa ‘Pinas! Ayaw ninyong magising ang mga Pilipino sa katotohanan. Hindi pa nga ako nakatutok sa inyo natatakot na agad kayo?”

TikTok account ni Rendon, burado: 'Mali ba ang pagboboses para sa bayan?'

Photo courtesy: Rendon Labador's FB

Naibahagi rin ni Rendon na palagay niya ay nanganganib na rin ang kaniyang Facebook account.

Photo courtesy: Rendon Labador's FB

Matatandaang gigil na ibinahagi ni Rendon ang pagkawala ng kaniyang TikTok account noong Miyerkules, Agosto 30.

"Mali ba ang pagboboses para sa bayan at i-expose ang mga katangahan ng mga tao?”

“Pero yung mga content at TikTok account na puro kabastusan at kahayupan ay hinahayaan ninyo?" aniya.