Ibinahagi ng "It's Showtime" host at singer-songwriter na si Ogie Alcasid na finally raw ay nakaharap at nakita niya ang mga anak ni Queen of All Media Kris Aquino na sina Joshua Aquino at Bimby Yap, ayon sa kaniyang Instagram post kamakailan.

Sa nabanggit na Instagram post, pinuri ni Ogie ang pagiging gentlemen ng dalawang anak ng kaniyang kumareng si Kris, lalo na ang pag-aalaga nila sa kanilang ina, na nakikipaglaban pa rin hanggang ngayon sa kaniyang autoimmune disease.

"It was so great to see Josh and Bimby today. Two wonderful gentlemen who have the outmost concern and care for their mother who is my dear kumare."

"Mare, I post this to send my family’s love for you and your family. I am happy that I was able to pray with you today to seek for the Lord and his healing upon you. The Lord bless you and keep you and your family. @krisaquino"

Eleksyon

Chavit Singson, kakandidatong senador sa midterm elections

Sa kalakip na larawan, makikitang napagitnaan ng dalawa si Ogie, at kitang-kita ang tangkad ng dalawa, na hindi na raw namalayan ng mga netizen na malalaki na pala sila, lalo na si Bimby!

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Puro Giants pala yang mga sidekick mo?"

"Grabe ang tatangkad nila!"

"Bimby is so tall na..."

"Bimb looks like his grandfather Ninoy..."

"Ang giant ni Bimby!"

"Grabe ang tangkad ni Bimby. Nagmukha tuloy filling si Ogie hahaha. Pisyow!"

"Ayoko tumabi sa dalawa. Or pwede naman nakaupo lang ang take. Hahaha."

Nabisita ni Ogie si Kris sa Amerika dahil sa kaniyang concert doon.