Kaugnay ng balitang kinumpirma ni KC Concepcion na inunfollow niya sa social media ang step father na si Atty. Kiko Pangilinan at step sister na si Frankie, nag-post ng mensahe para sa apat niyang anak si Megastar Sharon Cuneta, na aniya ay quote mula naman sa fictional character na si "Peter Pan."

May caption itong, "From Peter Pan…For one of my four children."

Mababasa sa post, "Every kind of love, it seems, is the only one. It doesn't happen twice. And I never expected that you could have a broken heart and love with it too, so much that it doesn't seem broken at all. I know young people look at me and think my youth seems so far away, but it's all around me, and you're all around me."

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Ang apat na anak ni Shawie ay sina KC, Frankie (Kakie), Miel, at Miguel.

Si KC ay anak nila ng dating mister na si Gabby Concepcion. Ang tatlo ay mga supling nila ni Atty. Kiko.

Makahulugan din ang isa pang Instagram post ni Shawie na halaw pa rin mula sa Peter Pan, na ayon sa mga netizen ay tila parinig daw sa panganay na anak.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Baka ayaw ng lumipad pabalik kasi hindi maramdaman yung pagiging pamilya."

"Buti pa yung anak sa broken family mas malalim magmahal at mag-isip."

"Mabuti ka pong ina at anak. Busilak ang pagkatao mo. Wala ka na pong dapat patunayan pa. Ipinagsadasal ko po ang pamilya ninyo na maging masaya lagi."

"That, then, explains the toxicity. Pero may mga bata na mas matanda pa kung mag isip. This one grew up backwards. Before I make a backhanded attack on my own flesh and blood, I will die for her/him first. NO MATTER WHAT. Kailan tatanda ang matanda?"

"There's a reunion concert in 2 mos time, a film fest movie on Xmas & could be teleseryes/movies for the coming yrs. These are gifts for us fr the Megastar, let's enjoy these blessings. This controversy yet again shall pass. She's a strong woman. No one here is living w/them or spoken to anyone for the family, so pls stop these disrespectful comments."

Matatandaang sa panayam ni Ogie Diaz kay Sharon, inamin ng Megastar na may mga bagay silang hindi napagkakasunduan ni KC.

Kahit na magkaiba sila ng personalidad ay nananatili pa rin ang pagmamahal niya para sa anak, dahil ito ang una niyang prinsesa.

Lalo pang naisyu ang pagkiling daw niya sa mga anak nila ni Atty. Kiko nang purihin naman niya si Kakie bilang isang anak na "No headaches, no horror stories, no disrespect."

Samantala, wala pang direktang tugon, reaksiyon, o pahayag ang Megastar hinggil sa naging pag-amin ni KC at sa mga isyung ipinupukol sa kaniya ng mga netizen.