Suspendido ang pasok sa gobyerno at klase sa lahat ng antas ng paaralan sa National Capital Region (NCR) sa Biyernes, Setyembre 1 dahil na rin sa epekto ng habagat at bagyong Hanna.

Ito ang kautusan ng Malacañang nitong Huwebes at sinabing ang pasok sa mga pribadong kumpanya ay nakasalalay sa desisyon ng kanilang pamunuan.

Pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang naturang kautusan.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nauna nang kinansela ng Malacañang ang pasok sa government office at klase sa Metro Manila Nitong Huwebes ng hapon dahil sa walang tigil na pag-ulan na nagpabaha sa ilang kalsada sa NCR at probinsya.