Damang-dama ni Kylie Padilla ang kaligayahang makasama sa travel ang mga anak na sina Alas at Axl, mga anak nila ng estranged husband na si Aljur Abrenica, kahit na "struggle" daw sa kaniyang magkaray ng dalawang bulilit nang solo lamang siya.

Ayon sa latest Instagram post ni Kylie, "obsession" niyang makita ang kasiyahan ng kaniyang mga anak, kaya kahit solo katawan lang siya sa kanilang travel, kumbaga ay worth it naman daw.

"TAKE ME BACK. Is it ok to say I’m obsessed with seeing my kids happy? Huhu kahit na struggle to travel with two, I know we made core memories and that’s all I want with them," mababasa sa caption ng Instagram post ni Kylie, kalakip ang mga larawan nilang mag-ina sa mga travel nila.

Aljur tinusta ng bashers dahil sa b-day ng anak, mas inuuna pa raw si AJ

Nakasarado ang comment section ng post subalit makikitang pumalo na sa halos 42k ang heart reactions nito.

Matatandaang kinuyog ng mga netizen ang ama ng mga bata na si Aljur Abrenica kamakailan dahil hindi man lamang daw ito bumati sa birthday ng isa sa mga anak, at mas inuna pa raw ang pagsama sa girlfriend na si AJ Raval.

Depensa naman ni Aljur, nasa Canada sila ni AJ dahil guest performer sila sa isang concert doon.

Sinabi naman ni Kylie sa publiko na tantanan na siya at ang kaniyang ex, at huwag na siyang i-mention o i-tag sa mga post nila.

https://balita.net.ph/2023/08/13/kapagod-yung-narrative-kylie-nakiusap-wag-na-siyang-i-tag-kina-aljur-aj/